Takas Tayo

Posted: September 6, 2010 in Uncategorized

 

Batong-bato ka, mas lalo na ako

Kanina pa ako nakatengga sa kwarto

Nagbibilang ng mga alikabok

Ina-identify species ng mga lamok

 

Ang mga duming nagkalat

Electric fan, beer at laptop

Mga damit at gamit na wala sa ayos

Nililimitahan ang aking pagkilos

 

Sa lahat ng problema natin sa mundo

Isa lang ang solusyon dito

Tatakas ako

Takas tayo

 

Rinding-rindi na tenga ko

Sa paulit-ulit na tugtog ng XpressMusic ko

Masyadong mabagal ang Tattoo

Puro virus naman internet shop sa kanto

 

Sarado ang Jollibee, South Star, at Mercury

Kanina pa ako hindi mapakali

Ano kaya kung ako ay mag-yosi?

Umpness, wala akong pansindi

 

At honga pala may exams pala ako

At nag-uumapaw na mga proyekto

 

Sa lahat ng suliraning ito

Alam ko na gagawin ko

Tatakas ako

Takas tayo

 

Pero teka tinatamad yata ako

At siyempre magpoprocrastinate na naman ako

Saka na lang tayo tumakas

Hindi pa ako naghihimagas*

 

Tulungan mo na lang ako

Mag-organize tayo ng mga gamit ko

Labhan mo lahat ng damit ko

Habang ako’y nanonood ng Naruto

 

Sunugin natin mga baul ng pera ko

Para mag-free up ng space sa kwarto

At siyempre pagkatapos ng lahat ng ‘to

Inuman tayo magdamag, libre mo

 

Hindi na pala natin kailangang lumayo

Solusyon sa mga problema’y naririto

Tulugan natin ang lahat ng ito

Paggising nati’y wala nang mga ‘to

 

 

*himagas = dessert

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s